Nonsense ang quarantine: Nancy tinawag na bobo

NI: ARCHIE LIAO

Viral ngayon ang video tungkol sa naging pahayag ng Momoland member na si Nancy Mcdonie hinggil sa kanyang panghihinayang sa pagkaunsyami ng ‘Soulmate’ . Kapareha niya sa nasabing serye si James Reid.

Marami ang nag-react sa kanyang komentong “all these nonsense and quarantine whatever” kung saan parang sinisising dahilan ang lockdown sa pagkahinto ng nasabing proyekto.

Merong nadismaya sa naging pahayag ni Nancy .Sinabing napaka-insensitive raw nito dahil hindi masasabing isang malaking kalokohan ang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa bansa . Lalo na ngayon na marami ang nade-depress,nawalan ng kabuhayan at nagugutom.

May mga nagpahayag naman na hindi naiintindihan ng dayuhang singer-dancer ang kanyang sinasabi dahil bobita rose raw ito .Ganda lang daw ang puhunan.

May mga nagbanta naman na ibo-boycott ang Korean girl band member.

May nagtanggol din na misunderstood daw si Nancy at wala itong intensyong maka-offend.

Sa isang video naman,nagbigay si Nancy ng babala sa kanyang followers na pangalagaan ang kanilang kalusugan sa gitna ng banta ng COVID-19.