tonite-imo-vinia-vivarHindi pa rin ready si Nora Aunor na pag-usapan ang anak niyang si Lotlot de Leon. Natanong kasi sa kanya ng mga entertainment press na bumisita sa taping ng Onanay ang tungkol sa nalalapit na kasal ni Balot at tumanggi agad ang Superstar na pag-usapan ito.

Noong nakaraang presscon ng Onanay ay naitanong din ito kay Ate Guy at hindi rin siya nagbigay ng pahayag.

In her past interview ay nabanggit na rin ni Nora na wala silang communication ni Lotlot at mukhang hanggang ngayon ay ganu’n pa rin.

Tila malalim ang tampuhan ng mag-ina at si­yempre, umaasa ang mga malalapit sa kanila na sana naman ay maayos na ito bago man lang ikasal si Lotlot sa December.

Siyempre, everybody’s hoping na makadalo pa rin ang Superstar sa kasal ni Balot whether may tampuhan man sila o wala.

Samantala, enjoy na enjoy si Ate Guy sa Onanay dahil masaya raw sila lagi sa set at magagaan kasama ang mga co-star.

Bukod dito, first time raw niyang nakatrabaho si Cherie Gil at aminado si Ate Guy na fan siya ng aktres.

“Idol ko si Cherie, walang biro. Ngayon lang kami nagkasama sa teleserye kaya ‘yung respetohan, nandiyan. Minsan nga, ako pa ang nagkakamali pag siya ang kaeksena ko,” pag-amin pa ni Ate Guy.

Ikinagulat ng press na narooon ang sinabi ng Superstar na siya pa ang nagkakamali minsan kapag kaeksena si Cherie at sambit niya, “oo naman, hindi naman masamang aminin ‘yun. Hindi naman talaga maiiwasan ‘yun.”

Sa ngayon ay sa Onanay muna naka-focus ang Superstar at wala raw muna siyang gaga­wing pelikula hanggang sa pagtatapos ng taon.

Rochelle sinungitan si Arthur

Naaliw naman kami sa kuwento ni Rochelle Pangi­linan na dahil sa kasu­ngitan niya sa asawang si Arthur Solinap noong time na naglilihi siya, nag-emote na raw ito sa kanya.

“Dumating na sa point si Art na ‘ano bang ginagawa ko? Lahat naman, ginawa ko sa ‘yo.’ Nag-drama na siya. ‘Ginagawa ko lahat para maging good husband sa ‘yo,’ may ganu’n na siya,” kuwento ni Rochelle.

Nu’ng first trimester daw niya kasi ay napaglilihian niya yata ang ang asawa dahil ang sungit-sungit niya rito. Ayaw daw niya talagang makita at napapangitan siya.

Kaya biro nga namin sa kanya, masyado naman niyang kinakawawa at ina-under si Art.

“Ngayon lang naman ‘yan nagpapa-under, no!” katwiran ni Rochelle na natatawa.

Pero ngayon daw ay hindi na naman siya masungit masyado sa mister. Gwapong-gwapo na nga raw siya ngayon kay Art.

Five months na ang ipinagbubuntis ni Rochelle sa panganay nila ni Art at wala pa raw sinasabi ang OB-Gynecolo­gist kung ano ang gender. Sobrang excited na nga raw silang mag-asawa.

Wala namang problema sa karakter ni Rochelle sa Onanay kahit buntis na siya ngayon dahil sa story ay pinalabas ding nag-asawa na siya at preggy na rin. Nag-ca­meo raw si Art na gumanap bilang mister niya.

Hangga’t kaya raw ng katawan niya ay magtatrabaho pa rin siya hanggang sa bago manganak. Hindi naman daw siya binabawalan ni Art dahil alam daw nitong nag-e-enjoy siya sa pag-aartista.