HINDI pa rin nakalimot ang mga fans ni Nora Aunor na nag-celebrate ng kanyang 64th birthday kamakalawa.
Limang fans club nito ang nag-organize ng birthday party para sa kanya sa Celebrity Club sa Quezon City Circle kamakalawa nang hapon.
Tuwang-tuwa si Nora pagdating niya dahil napuno ang naturang venue at masaya ang lahat na naki-celebrate sa kanya.
Dumating ang anak niyang sina Matet at Kenneth.
Kasama ni Matet ang kanyang asawa at mga anak.
Hindi lang namin alam kung bumati kay Nora sina Ian de Leon, Lotlot, at Kiko. Dumating din doon si John Rendez.
Masaya si Nora at nangako siya makakabalik siya sa pagkanta pagkatapos ng treatment niya sa Amerika sa tulong ni Daniel Razon.
Malaki raw ang pag-asang mabalik ang dati niyang boses dahil mukhang effective daw itong pagpapagamot sa kanyang lalamunan.
Sana raw, matuloy ang binabalak niyang live concert sa October ng taong ito.
Ang isa pang balak ni Nora ay magdirek ng pelikulang pagbibidahan niya.
Kaya dumalo rin doon si Ricky Lee na kausap niya sa posibleng project na gagawin niya.
akala ko ba sa singapore na lang magpapagamot si nora sa tulong ni daniel razon? sana nga maibalik ang kanyang dating singing voice.
i know . Mali yata ang impormasyon nila.