SA Facebook ko nakita ang mga larawang kuha sa 64th birthday celebration ni Ms. Nora Aunor.

Very masculine ang energy ng People’s National Artist sa photos.

Wala na naman itong make-up, tila kalbo na ang kilay, naka-polong puti over a black undergarment, naka-pantalon.

Sana, pina-hair & make up nila si Nora ala Magnolia de la Cruz sa Bilangin Ang Mga Bituin Sa Langit o ala-Adora sa Beloved.

Noranians love her to bits and they don’t mind her no make up, I am with one of you look.

Pero at this day and age of the millennials, dapat makita nila si Aunor (lalo na’t birthday niya) na every inch a superstar, styled to perfection, glamour kung glamour.

Sa mga larawan, masayang-masaya ang Superstar. Ayon sa FB posts, mahaba ang talumpati ni Nora.

Ang salient points sa kanyang pahayag, “Hindi daw lahat ng tao ay perpekto, marami din ang nakakagawa ng sablay sa buhay. Ang importante, marunong tayo tumanggap ng pagkakamali natin.”

Pinasalamatan nito si Kuya Daniel Razon at Bro. Eli Soriano ng UNTV na nag-offer ng tulong sa kanya at handa siyang tulungan sa kanyang mga future na pa­ngangailangan.

Inamin ni Aunor na kailangan niyang magpaopera kasi.

“May laman na sa a­king lalamunan na nagkadikit kaya kailangan ihiwalay na ang ‘yun.”

May inihahanda ang UNTV sa kanya na mala­king event by October na ikakatuwa ng Noranians.