tonite-imo-vinia-vivarLabis-labis ang pasasalamat ni Rochelle Pangi­linan kay Nora Aunor dahil sa natamo niyang Christmas gifts mula sa Superstar na co-star niya rin sa GMA primetime series na Onanay.

Ipinost ni Rochelle sa kanyang Instagram ang mga regalo ni Ate Guy na baby stroller at sandamakmak na baby stuff para sa kanyang ipinagbubuntis na panganay nila ni Arthur Solinap.

“Good mor­ning! Share ko lang ang mga kaganapan. Simula ng nakilala ko sa show ng Onanay si Ms. Nora Aunor, napahanga na ko sa ugaling pinapakita nya sa kin, sa fans nya, sa lahat ng tao sa set ng Onanay.

“Yung lagi ko syang­ makaeksena ay sapat ng regalo sa kin nga­yong Pasko, pero ginulat nya ko sa pasurprise nyang gifts sa kin,biniro ko pa syang “binigyan mo naman ako ng surprise baby shower” sabay tawa namin,pero nung pauwi na ko ng bahay, ang naisip ko lang ay yung naisip nya kong pagkaabalahan o pag-isipan pa,pwede namang simple na Christmas gifts lang like pagkain o gamit ng babae etc.

“Pero naisip nya kami ng baby ko… pinagisipan nya talaga! Yung pagkaabalahan ka ng nagiisang Super star simula ng bata pa ko at binigyan ako ng halaga. Ang saya saya talaga! kaya mara­ming nagmamahal sa kanya eh na hanggang ngayon ay nandyan pa din,” ang bahagi ng mahabang caption ni Rochelle.

Sobrang saya nga ng aktres at dating SexBomb member hindi lang dahil sa regalo kundi dahil sa experience na makatrabaho niya ang aktres na iniidolo noon pa man.

“Hindi ako magsasawang ikwento hanggang apo ko ang kabutihan nyang ginawa sa lahat ng tao na nasaksihan ko sa maikling panahon na nakasama at nakatrabaho ko sya.

“Sa akin,maraming dahilan kung bakit nakilala mo ang isang tao,hindi aksidente lang, sa dami ng naikwento nya sa kin sa buhay na pinagdaanan nya,marami akong natutunan.I am Blessed,” ang pagtatapos ng caption ni Rochelle.

***
Toni ipinamigay ang lahat ng pera

Sa presscon ng Mary, Marry Me ay mu­ling naungkat kay Toni Gonzaga ang tungkol sa pre-nuptial agreement since tungkol naman sa kasalan ang tema ng pelikula.

Natanong ang aktres-TV host kung may prenup agreement ba sila ng asawang si Direk Paul Soriano.

“Wala kaming prenup. Hindi naman ako royal family,” sabi niya na ikinatawa namin.

Pero seriously, wala naman daw talagang ipe-prenup dahil lahat ng pera niya ay ibinigay niya sa kanyang mga magulang bago siya mag-asawa.

“Binigay ko lahat sa kanila, kasi feeling ko, lahat ng pinagtrabahuhan ko, para naman sa kanila,” ani Toni.

Kaya kung baga, after the wedding, nagsimula ulit sila ng panibago ni Direk Paul.

“Para naman sa kanila ‘yun, deserved nila ‘yun,” sambit pa ng aktres-TV host na ngayon ay producer na rin.

“Meron naman akong savings, pero major of my earnings and my investments, binigay ko sa kanila.
“Tapos, sabi ng mommy at daddy ko, “huwag kang mag-alala, sa inyo rin ito mapupunta.” Tapos, sabi ko, “eh basta i-enjoy n’yo na ‘yan.”
***
Mga artista ng Star Magic nagkaisa sa kawanggawa
Last Dec. 1 ay ginanap na ang taunang charity event na Star Magic Gives Back kung saan ay mahigit 100 Star Magic talents ang nag-participate.
For this year, Star Magic has chosen four ins­titutions with whom the artists shared their time, talent, laughter and gifts with.
Ang mga napiling institusyon composed of orphaned kids and abandoned elderlies ay Good Samaritan Home for the Elderly in Marikina, Craniofacial Foundation of the Philippines in Manila, Sta. Maria de Mattias in Marikina and the Bantay Bata Children’s Village in Bulacan.

Sa Bantay Bata Children’s Village ay nagbigay ng kasiyahan sa mga bata sina Piolo Pascual, Edward Barber, Maymay Entrata, Eric Nicolas, Enzo Pineda, Luke Alford, John Bermundo, Sharlene San Pedro, Heaven Peralejo, Ysabel Ortega, Vivoree Esclito, Yasmyne Suarez, Gerard Acao, Karl Gabriel, Luis Hontiveros, Mark Rivera and JM de Guzman.

Sa Good Samaritan Home for the Elderly naman bumisita sina Maja Salvador, Ge­rald Anderson, Joseph Marco, RK Bagatsing, Jayson Gainza, Elmo Magalona, Jane Oineza, Sofia Andres, Maris Racal, Alexa Ilacad, Darren Espanto, AC Bonifacio, Axel Torres, Kyle Velino, Joj and Jaj Agpa­ngan, Lala Vinzon, Sarah Carlos, Loren Burgos, Hiyasmin Neri, Belle Mariano, Ashley Colet, Melizza Jimenez, Nikki Gonzales, Amy Nobleza, Chantal Videla, Raine Salamante, Kira Bali­nger and Alora Sasam, as well as child stars, Bourne Luna, Omar Uddin and Robbie Wachtel.

Sa Sta. Maria de Mattias ay nag-enjoy din ang mga bata sa unique entertainment and fun games with Sue Ramirez, Nash Aguas, Jairus Aquino, Kim Cruz, Desiree del Valle, Boom Labrusca, Ryan Rems, Kitkat, Jenny Miller, Gillian Vicencio and child stars Xia Vigor, Lance Lucido, Myel de Leon, Hannah Vito, Uno Bibo, Andrez del Rosario and Erika Clemente.

Sa Craniofacial Foundation of the Philippines naman nagtungo sina Zanjoe Marudo, Harvey Bautista, Krystal Mejes, Krystal Brimner, Mitch Naco, Daniela Stranner, Inigo Pascual and Liza Soberano.

Apart from donations in kind, each ins­titution also received 80 thousand cash donations each from Star Magic in order to aid in their other needs.