Nora, Uge, Paolo, Rhian & Julia: patalbugan bukas sa Skydome

Rhian Ramos

HAVEY: On its 19th year, bibigyang parangal ulit ng Anak TV ang  top choices for the most admired yet most child-sensitive male and female personalities on local television.

Kaya sa kanilang Makabata Awards, ito bale ang people’s genuine choices.

From a semi-final roster of over a hundred nominees, heto ang top choices for the Anak TV Seal awards.

For child-friendly male TV persona­lities, pararangalan sina Atom Araullo, Drew Arellano, John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes, Robi Domingo, Enrique Gil, Vhong Navarro, Manny Pacquiao, Daniel Razon, James Reid, Jericho Rosales at Michael V.

Sa female personali­ties, ang may Anak TV Seal ay sina Bea Alonzo, Yeng Constantino, Anne Curtis, Kara David, Julia Montes, Vicky Morales, Yassi Pressman, Ma­rian Rivera, Leni Robredo, Lea Salonga, Charo Santos-Concio, Lisa Soberano at Pia Wurtzbach.

At para sa Anak TV Seal para sa TV Programs, kasama sa gagawaran ang 24 Oras, Ang Probinsyano, Dolce Amore, Encantadia, I Witness, It’s Showtime, Kapuso Mo, Jessica Soho, Maalaala Mo Kaya, Matanglawin at Pepito Manaloto.

The country, through Anak TV, will bestow on you the honor during the Anak TV Seal awards (coinciding with Sinebata festival awards) at 9:00 in the morning on Saturday, 10 December 2016 at the Quezon City Experience (QCX) in Quezon Memorial Circle, Quezon City.

Ang isa pang aaba­ngan ay ang pagtatalaga kina Coco Martin at J­udy Ann Santos-Agoncillo sa Anak TV Hall of Fame dahil sa kanilang consistent na pagiging Maka-bata for the past decade. Hindi ito kataka-taka dahil sila rin ang top endorsers at most admired media personalities du­ring these past years.

Sana’y maging huwaran ang awardees para sa iba pa na gustong mas idolohin ng mga b­ata; at hindi basta-basta gumagawa ng bata, ‘di ba?

***

WALEY:  Pagkatapos ng salpukan ng dalawang sinasabing “pambatang pelikula” nina Vice Ganda & Coco Martin versus Vic Sotto, handa na ang Kick Off event at Countdown to the MMFF 2016 sa SM North EDSA Skydome bukas.

Tampok ang stars ng walong official entries at ipapalabas ang omnibus at individual trailers ng kanilang mga pelikula.

Nag-confirm ang mga bida ng mga kalahok na entries kaya exciting kung sino ang major na papalakpakan at dudumugin.

Dadalo sina Nora Aunor (Kabisera), Eugene Domingo (Ang Babae Sa Septic Tank 2), Paolo Ballesteros (Die Beautiful), Rhian Ramos (Saving Sally) at Julia Barretto (Vince and Kath and James).

Siyempre, ka-join din ang mga b­ida ng Seklusyon,  Oro at Sunday Beauty Queen.

Hindi lang ang Pilipinas kundi ang buong mundo ay nag-aabang sa pagbabagong hatid ng Metro Manila Film Festival 2016.

Nagpaabot ng suporta ang mga programmers ng major film festivals sa buong mundo  — from Cannes, Venice, Berlinale, Busan, Yamagata — and homegrown fests (SalaMindanaw), QCinema at kahit Cinemalaya ay suportado ang MMFF 2016.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.