Nagimbal ang mga resi­dente ng Tulunan, North Cotabato nang maramdaman ang magnitude 6.3 na lindol Miyerkoles ng gabi.

Batay sa inisyal na datos mula sa Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-7:37 nang tumama ang lindol sa sila­ngang bahagi ng nasabing lugar.

Ayon pa sa Phivolcs, tectonic ang origin ng nasabing lindol.

Dahil sa may kalakasan­, naramdaman din ang Intensity VII sa Kidapawan City, habang Intesity V naman sa Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani, Intensity IV sa General Santos City.

Habang sinusulat ito ay wala namang napaulat na pinsala o nasaktan sa insidente.