Inuga ng 4.9-magnitude na lindol ang North Cotabato nitong Biyernes.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang tectonic na lindol alas-9:55 ng umaga may 16 kilometro southwest ng bayan ng Makilala. May lalim itong 4 kilometro.

Samantala, naramdaman ang Intensity IV sa Makilala, North Cotabato; Kidapawan City; Pikit, South Cotabato; at Sta. Cruz, Davao Del Sur.

Intensity III naman sa Koronadal City; Davao City at Pres. Roxas, Cotabato. Naramdaman ang Intensity II sa Kalilangan, Kadingilan at Damulog, Bukidnon; General Santos City; Tupi, Polomolok at Tampakan, South Cotabato; Esperanza at Sultan Kudarat.

Naramdaman din ang Intensity V sa Kidapawan City, Intensity III sa Tupi, South Cotabato, Intensity II sa Alabel, Sarangani; Davao City, at Intensity I sa Kiamba, Sarangani at General Santos City.

Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang aftershocks at damage kasunod ng lindol. (IS)