Hindi lamang sa China nanggagaling ang mga shabu na ibinebenta ng mga drug lords sa New Bilibid Prison (NBP) kundi sa North Korea.

Ito ang isiniwalat ni Jaybee Sebastian sa pagharap nito sa ikaapat na pagdinig ng House committee on justice sa paglaganap umano ng transaksyon ng droga sa NBP kahapon sa Kamara.

“Sa China po at North Korea,” ani Sebastian nang tanungin ni Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers kung saan galing ang droga na ibinebenta ng mga drug lords sa bilibid.

Nauna ritong itinanggi ni Sebastian na siya ay asset ng gobyerno na taliwas sa unang palabas ni Sen. Leila de Lima kaya hindi ito kasama sa mga high profile inmates na inilipat sa New Bilibid Prison (NBP) noong Disyembre 15, 2014.

Sa pag-uurirat ni Cebu Rep. Gwendolyn Garcia, inamin ni Sebastian na kinabahan ito sa pahayag ni De Lima dahil mistulang inilagay nito ang kanyang buhay sa panganib nang sabihin ng senadora na siya ay isang government asset.

3 Responses

  1. bwahaha….si delimaw nagpa interbyu, asset daw ng gobyerno si Sebastian, at nag tx daw sa kanya ang asawa ni sebastian…bwahaha…sinungaling…si jaybee mismo ang nag sabi, 2 beses nya pa inulit na di sya asset ng gobyerno at di din nagtitx ang kanyang asawa ke delimaw…sinungaling talaga si delimaw…bwhaha…nasaan na si matobato ngaun? ayon nakakulong na…naisahan nila delimaw at trillanes na sundalong kanin..pagkatapos gamitin at ng di na mapakinabangan, isinuko na sa kapulisan…bwahaha…binayaran na lang para di na bumaliktad si matobato…palibhasa grade one ang inabot at utak alimango…sunod ng sunod lang sa mga among mapagsamantala…bwahaha…ano ngaun? kulong ang inabot sa dami ng reklamo sa kanya..kaya kau mga yellowtards..mag ipon ipon kau…tutal…magkaka level naman kau ng utak nila matobato…bwahaha…