Lumaki ang lineup ng NorthPort Batang Pier sa pagdating nina Sol Mercado, Kevin Ferrer at Jervy Cruz.

Maluwag ding pinakawalan ni coach Pido Jarencio papuntang Ginebra ang star guard niyang si Stanley Pringle, dahil makakasama na niya muli ang mga dating players sa UST.

Si 6’4 Cruz ang star player ni Jarencio nang sagpangin ng Golden Tigers ang huling kampeonato sa UAAP noong 2006.

“I want to have my former UST players, alam nila ang sistema ko,” punto ng coach.

Injured sina Nico Elorde at Jonathan Grey, kakailanganin ng Batang Pier ang liderato at experience ni veteran guard Mercado para ituloy ang winning run sa PBA Commissioner’s Cup. Sa kasalukuyan ay 5-1 ang NorthPort, sa likod ng conference leader TNT (6-1).

“While we lost an exciting player in Stanley, we will have the experience of Jervy and Sol, and the versatility of Kevin,” dagdag ni Jarencio. “In a sense, we will get bigger.”

‘Di pa lubusang nakaka-recover si Pringle mula bone spur surgery sa kanang paa, nakakadalawang laro lang siya sa midseason tournament. Martes ay inaprubahan ni commissioner Willie Marcial ang trade.

“We thank Stan for five great years. He’s been our sparkplug and we gained prominence because of his gutsy plays and the character he displayed on the court,” anang statement ng NorthPort. “In some of our games, he even played with pain.” (Vladi Eduarte)