Naitawid ng NorthPort ang unang laro na officially ay wala na sa roster si Stanley Pringle.

Walo lang ang naiwan sa lineup ni coach Pido Jarencio, pero pinahiya ng Batang Pier ang Rain or Shine 107-105 sa overtime Miyerkoles nang gabi sa Mall of Asia Arena.

“Sobrang excited ako nanalo kami ngayon,” bulalas ni Jarencio. “Mantakin mo, 6-1 kami ngayon, lumaban pa rin kami kahit walo lang players ko.”

Nasa sistema ni Ja-rencio ang ‘never-say-die’ dahil matagal din siyang naglaro sa Ginebra sa ilalim ni Robert Jaworski na nagpasimula ng mantra.

Injured sina Nico Elorde, Jonathan Grey, Lervin Flores at Bradwyn Guinto.

Kinubra ng NorthPort ang pangatlong sunod na panalo at 6-1 overall para makibuhol sa TNT KaTropa sa liderato ng PBA Commissioner’s Cup elims.

Walo ang nasa lineup, pito lang ang ginamit ni Jarencio at lima ang umiskor ng 12 pataas. Si Ryan Arana lang ang hindi pumasok sa scoreboard, may 9 points si import Prince Ibeh pero nagbaba ng 21 rebounds, may 2 assists at 3 blocks kahit nananakit ang tiyan.

Umiskor ng career-high 34 si Mo Tautuaa, tumapos ng 22 points, 6 rebounds at game-high 9 assists si Robert Bolick para pangunahan ang Batang Pier.

Nagdagdag ng 14 markers at 8 boards si Sean Anthony, 12 points kay Paolo Taha. (Vladi Eduarte)