Norwood tokpa sa Dunk of the Decade

Habangbuhay nang nakaukit sa mga basketball fan ang isa sa mga dakdak ni Gabe Norwood para sa Gilas Pilipinas.

Sino ba naman ang hindi napahiyaw ng salpakan ni ‘Mr. President’ nang harap-harapan ang legitimate NBA big man na si Luis Scola?

Noong 2014 FIBA World Cup ginulantang ng Pilipinas ang international scene dahil sa pinakita nito na kayang makipagsabayan sa mga bigating koponan ng Puerto Rico, Greece at Argentina makalipas ang 36 na taong pagkauhaw sa nasabing torneo.

Isa sa mga hindi makakalimutang eksena ay mula sa fastbreak dunk ni Norwood kay Scola ng Argentina mula sa pasa ni Jayson Castro.

Kaya naman kasama ito sa pagbobotohan ng mga fan sa FIBA ‘Dunk of the Decade’. (Raymark Patriarca)