Hindi lang sa basketbolan maasahan si Philippine Basketball Association star Gabriel Daniel ‘Gabe’ Norwood, kundi pati na rin sa pagtulong sa mga frontliner na buwis-buhay na lumalaban kontra coronavirus disease 2019.

Nagpadala ng personal protective equipment ang Rain or Shine Elasto Painters shooting guard/small forward sa Bureau of Corrections Hospital sa Mandaluyong.

“Blessing to a blessing,” pahayag ng 35-year-old, 6-foot-6 player na si sa kanyang Instagram story.

Tengga pa sa training at playing career si Norwood dahil sa general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila bunsod ng global outbreak.

Noong nakarang linggo, lumampas na sa 8,000 ang dinapuan ng COVID-19 sa bansa. (Janiel Abby Toralba)