NOT SAFE, NOT READY

RIO DE JANEIRO (AFP) — Hindi raw ligtas tirhan ang apartments sa athletes village sa Rio, ayon sa chef de mission ng Australia, kaya inalis na roon ang buong Australian Olympic team.

Sinabi ni team chief Kitty Chiller na maraming problema sa kanilang tutuluyan kabilang ang baradong toilets, tumatagas na tubo ng tubig, exposed wiring, walang ilaw na pasilyo o hagdan, at maruming floors.

Tumutulo raw ang tubig mula sa bubong at nagbabaha sa lapag, malapit na sa cables at wires ng kuryente.

“Due to a variety of problems in the Village, including gas, electricity and plumbing I have decided that no Australian Team member will move into our allocated building,” ani Chiller sa isang statement.

Sa July 21 dapat sila lilipat sa village, pero dahil “simply not safe or ready” ang village, ayon kay Chiller, ay tumira na lang sila sa mga kalapit na hotel. Sa Aug. 5 ang simula ng Rio Olympics.

Ipinarating na umano ng Australian officials ang hinaing sa local organizers.

Ganito rin umano ang nararanasang problema ng British at New Zealand delgations. Inaayos­ naman umano ng extra maintenance staff at higit 1,000 cleaners ang problema at nililinis ang village, pero hindi pa nasolusyunan ang plumbing­ issues.

“Last night (Saturday), we decided to do a “stress test” where taps and toilets were simulta­neously turned on in apartments on several floors to see if the system could cope once the athletes are in-house,” paliwanag ni Chiller.

Pumalpak daw, tumagas ang tubig sa pader, nangamoy gas sa ilang apartments, at nag-short ang mga electrical wiring.

Ang iba pang Australian athletes na parating pa lang ay itutuloy sa mga alternative accommodation.