Patay ang isang notoryus na tulak ng droga matapos umanong paputukan ang ang mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa San Pablo City, Laguna.

Kinilala ng San Pablo City police ang nasawing si Jeffrey Cado, 34, residente ng Brgy. VI-E.

Isinagawa ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch, Drug Enforcement Unit at San Pablo City Police ang operasyon alas-8:15 Sabado nang gabi at nakabili ng isang sachet ng shabu ang police poseur buyer kay Cado, ngunit humantong sa ba­rilan ang operasyon nang bumunot ng kalibre .45 baril ang suspek at paputukan ang nakatran­saksyong pulis.

Pero napuruhan umano si Cado ng mga pulis na gumanti­ rin ng putok. Isinugod pa ito sa Pagamutan Panlalawigan ng Laguna subalit hindi na umabot ng buhay.

Nabatid na si Cado umano ang isa sa mga pangunahing tulak sa nasabing lungsod.