NAGPUNTA si Noven Belleza sa US Embassy kahapon.
Kasama ni Noven (unang kampeon sa TAWAG NG TANGHALAN sa It’s Showtime) na nag-apply ng entertainer visa si Rey Valera.
Tampok sila sa Fiesta In America Expo and Cultural show na magaganap sa Meadowlands Expo Center sa Secaucus, New Jersey.
Sa Agosto 12 at 13 ang event na ‘yon at aalis daw pa-New Jersey si Noven sa Agosto 10.
Sabi ng isang nakausap namin, makakaalis daw si Noven to fulfill his obligation.
Bago pa raw ang bintang na SEXUAL ASSAULT sa Cebu City kay Noven ay nakapag-commit na sila sa event na ito sa Amerika.
Sa Setyembre raw ay may isa pang event si Noven at sa Las Vegas, Nevada naman ‘yon.
Umaasa ang organizers ng Fiesta In America Expo and Cultural show na hindi magkakaproblema at makakaalis si Noven para sa kanilang event.
***
Sina Raymond Gutierrez at Bianca Gonzalez ang magho-host ng Mutya ng Pilipinas 2017 coronation night sa Agosto 4.
Ipapalabas ‘yon sa Sunday’s Best ng ABS-CBN sa Agosto 6.
Hindi first time ni Raymond na mag-host para sa Mutya ng Pilipinas dahil noong 2015, sila nina Ruffa at Richard Gutierrez ang nag-host sa nasabing beauty pageant.
Gaganapin sa Resorts World Manila ang event na ‘yon at sobrang maghihigpit sila sa security.
Hindi basta-basta makakapasok sa backstage ang sino man na hindi involved sa nasabing event.
Kahit sina Raymond at Bianca (pati ang kanilang mga kasama) ay kailangang magsuot ng ID na manggagaling sa organizers.
Kailangang higpitan ang security sa nasabing lugar dahil na rin sa nangyaring gulo at panununog doon kamakailan.
In fairness, mas maraming magagandang contestants ngayon ang Mutya ng Pilipinas.
***
Kahapon ay katsikahan namin si Manay Lolit Solis at ang topic namin ay ang fan ni Kris Aquino na nam-bash sa kanya sa Instagram.
“Naku, hindi na ako concerned doon! Mas iniisip ko ‘yung pangako sa akin ni Kris na padadalhan niya ako ng allowance sa July 31.
“Hindi na ako affected sa basher na ‘yon, ‘noh?! Basta bago mag-July 31, magpo-post ako para ma-remind si Kris tungkol sa pangako niya sa akin. Hahaha!” sey ni Manay Lolit.
Inamin ni Manay Lolit na mas matindi pa sana ang isasagot niya sa basher pero nagpigil siya.
“Baka kasi kung ano pa ang masabi ko, lalo pang dumami ang bashers ko. At least, mag-isa lang siya!” sey pa ni Manay Lolit.
Teka! Dahil sa Instagram brouhaha na ito, parang marami ang nakaka-miss noong magkasama pa sina Manay Lolit at Kris sa Startalk ng GMA 7.
Hindi kaya maisipan ng Kapuso network na pagsamahin uli sila sa isang show?
‘Yun lang, hindi na uso ngayon ang showbiz talk show, mas maganda yata kung sa isang sitcom sila pagsamahin!
Pano makakaalis ng bansa tong si Noven Belleza e may on going na kaso yan…
not unless binayaran na ng ABS yung nagrereklamo sexual rape sa kanya…
Gumana nanaman ang pera ng ABS but still tumatak na sa mga tao ang pagiging maniac ng talent nyo abs,,, tsk tsk tsk
maraming pera si kris kaya pwedeng siya na lang mag produce ng sarili niyang show. maghanap na lang siya ng time slot sa gma na pwede niyang i-block time. sabi nga niya ayaw na sa kanya ng abs cbn.