Malaking aral kay Pauline Louise Lopez ang inabot na setback sa women’s 62kg taekwondo ng 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur Convention Center Hall 1 sa Malaysia.

Linggo ng gabi ay na­silat si Lopez kay Ha Thi Nguyen ng Vietnam 4-3 sa semifinals para magkasya lang sa bronze sa ikalawa niyang SEAG outing. Sinipa ni Lopez ang gold noong 2015 Singapore SEAG, pero sa mas mababang 57kg division siya sumabak doon.

“My initial reaction was the game is already finished and it won’t get me anywhere if I cry over this,” anang Pinay jin, naka-gold din sa kanyang regular weight class sa Asian Championships sa Manila noong isang taon.

Ilang beses kumonekta ang sipa ni Lopez sa ulo at katawan ng karibal, pero hindi nagre-rehistro sa electronic scoreboard.

“I was hitting her but apparently it wasn’t hard enough,” dagdag ng Ateneo sophomore. “Maybe it just wasn’t my day.”

Ayaw nang magmukmok ni Lopez dahil sa talo, mas gusto daw niyang gamitin ang karanasan sa positibong bagay.

“Now I know better in terms of strategy and technique,” lahad niya.

Ilang araw lang ang pahinga ni Lopez, sa Sept. 17-27 ay muling sisipa sa Asian Indoor and Martial Arts Games sa Ashgabat, Turkmenistan. Pinagha­handaan niya ang torneo, mas maraming matitindi doon mula Asia.

“Hopefully, I can do better there,” panapos ng magandang Pinay jin.