Laro ngayon:
(Smart-Araneta Coliseum)
4:00 p.m. — Ateneo vs FEU

Masaklap ang pagkatalo ng Ateneo noong Sabado matapos mabura ang kanilang 10-point lead sa fourth quarter.

Halos pitong minuto na lang ang natitira sa ora­san at ilang hakbang na lang ay sasampa na ang No. 2 Blue Eagles sa championship game, pero nasilat pa ng ­defending champion Far Eastern University.

At dahil may tangan na twice-to-beat advantage ang Ateneo, magkakaroon pa ng isang game sa semifinals ng UAAP Season LXXIX seniors men’s basketball tournament sa Smart-Araneta Coliseum.

Nakatakdang magharap ngayong alas-kuwatro ng hapon ang Ateneo at FEU sa sudden-death match para malaman kung sino ang makakalaban ng De La Salle University sa best-of-three finals.

Ang tema ng laro ngayon para sa magkabilang ­koponan — now or never — dahil inaasahang ibubuhos nang lahat ng protagonists ang lakas upang maka­sampa sa finals.

“Hindi pa tapos ang laban,” saad ni Ateneo ­ca­ger Thirdy Ravena. “May isa pang laro, kailangan pag­handaan namin at itama kung ano ‘yung naging mali namin.”

Mula sa 49-39  pagkakalubog, umahon ang ­Ta­maraws sa tulong ni veteran Reymar Jose para makahirit ng isa pang laro.

“Kahit ano mangyari lalaban kami, ito na ang ­pagkakataon at nasa puso ko ayaw ko pang mag­­­ba­kas­yon,” saad ni Jose na bumira ng  22 puntos at 23 rebounds sa kanilang panalo.

Si Aaron Black ang namuno sa opensa para sa Blue eagles matapos ilista ang 11 points.