Kung gustong tumulong sa pag-angat ng bansa, ngayon na ang panahon, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“Now, dito sa ibang mga promises ko, ito lang ang masabi ko, lahat kayong Pilipino na may gustong tumulong sa bayan natin, if you really want to help improve this country and if you want us to rise a little bit of the ‘yung ano natin sa nakaraan, now is the time,” paghimok ni Pangulong Duterte sa oath-taking ng mga bagong talagang opisyal gayundin ng Philippine Councilors’ League officers sa Malacañang kahapon.
Binigyang-diin ni Duterte na ngayon na ang tamang panahon para umaksyon at tumulong dahil kaisa, aniya, siya sa hakbang na ito.
“Now is the time because I am really with you,” anang Pangulo.
Muli ring iginiit ni PDu30 na pagdating sa katiwalian ay wala talaga siyang sasantuhin.