Magaang, hindi masyadong seryoso, ang pregame speeches nina US coach Kyrie Irving ng Boston Celtics at World coach Dirk Nowitzki ng Dallas Mavericks.
“I want us to share the ball and not one guy dribble it 20 times and hoist something up – like Luka (Doncic) does with the Mavs,” natatawang pahayag ni Nowitzki.
Direkta ang mensahe ni Irving: “Just have some fun. It’s OK to compete.”
Nakumbinsi ni Doncic si DeAndre Ayton ng Phoenix na palit sila sa opening tap, ang Mavericks rookie ang tumalon para sa World laban kay De’Aaron Fox ng Sacramento sa US.
Sa isang eksena, binigyan ni Trae Young ng US ng alley-oop lob ang Atlanta Hawks teammate niyang si John Collins para sa 360-degree dunk. Sa sumunod na play, nagpatawa si Young nang mag-crossover sa harap ni Josh Okogie ng Minnesota Timberwolves.
“We gotta play some defense,” pakli ni Donovan Mitchell ng Utah sa mga US teammates, pero mukhang walang nakinig.
Isang foul lang ang tinawag sa buong first half, kay World player Lauri Markkanen ng Chicago 4:13 bago ang halftime. Sa 10-minute quarters ng first half, nagpakawala ang magkatunggali ng 25 dunks at 20 3-pointers sa loob ng 20 minutes.
Bago natapos ang first half, nag-crossover si Collins, pinadaan ang pasa sa ilalim ng braso at pinatalbog sa backboard bago sinundan para idakdak na ikinatuwa ng magkabilang benches.
Sa laro, nakaupo lang sina Nowitzki ang World coaching staff mula Denver Nuggets. Si Irving, palakad-lakad sa sidelines na parang totoong NBA coach, tumatawag pa ng time-outs.