Nowitzki nalungkot sa short season ni Carter

Isa si dating Dallas Mavericks star Dirk Nowitzki sa mga nalungkot sa biglaang pagkakaputol ng farewell season ni Atlanta Hawks veteran Vince Carter.

Desidido na si Carter na tapusin ang 22-year career pagkatapos ng 2019-20, pero biglaan ding nasuspinde ang season dahil sa coronavirus disease.

“I probably would have not went through another season just because I didn’t get the ending that I was hoping for,” pahayag ni Nowitzki sa BaD Radio. “I felt bad for (Vince Carter). What he’s been doing for, now in his 22nd season, is amazing and I’m sure the last couple of weeks and months he would’ve deserved and gotten a couple more standing ovations maybe even a going away thing too. I felt bad for him listening to that press conference.”

Noong isang taon lang nag-retire si Nowitzki matapos ang 21 seasons lahat sa Mavs.

Sa presscon noong March 12, halatang pigil ang luha ni Carter nang humarap sa media.

“Game’s been good,” aniya noon pagkatapos ng posibleng last game na niya sa NBA.

Ang laro ng Hawks at New York Knicks ang isa mga huling matches bago sinuspinde ang season. Alam ng dalawang team na posibleng huling laro na ‘yun ni Carter.

Ilang segundo na lang ang nalalabi, ipinasok si Carter. Sinamantala ng 43-year-old ang pagkakataon at nagbaon ng 3-pointer – maaaring final shot na ng kanyang career. (VE)