Noynoy ‘di mapipilit kung ayaw sa SONA

Wala umanong magagawa ang kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi sisipot si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa State of the Nation Address (SONA) na gagawin sa Batasan Pambansa sa Quezon City, bukas.

“Siyempre hindi naman po natin siya mapipilit kung hindi siya pupunta,” pahayag ni Department of Finance (DOF) Undersecretary Atty. Paola Alvarez, na tumutulong sa preparasyon para sa SONA ni Pangulong Duterte.

Nilinaw din ng opis­yal na ang Malacañang ang nangangasiwa sa imbitasyon ng mga pana­uhin kagaya ng mga da­ting Pangulo ng bansa.

“Bale po kasi sa amin sa House of Representatives, ‘yung mga guests lang po ng Congress ang aming hinahawakan pero po ‘yung list ng Malacañang hindi po sila sa amin nagbibigay ng mga pangalan, sila po ‘yung nagbibigay ng imbitasyon nila,” dagdag pa ni Alvarez.

Nauna nang napabalita na hindi dadalo sa SONA bukas si dating Pangulong Aquino sa halip manonood na lamang umano ito sa telebisyon ng mga kaganapan sa kauna-unahang SONA ni Pangulong Duterte.