Hagip lang ng sibakan sa puwesto ang mga appointees ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ang nilinaw kahapon ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa isang press conference sa Malakanyang kahapon.

“As per update according to (Presidential Communications Office) Sec. (Martin) Andanar, that this ­refers to appointees from the past administration…and that with the exception of to — that were actually­ addressed, it does not apply to the current appointees,” paliwanag ni Abella.

Kaugnay nito, dadaan naman sa pagrebisa ang mga pinuno ng mga ahensya na may “tenure”, ayon­ pa kay Abella.

Ang paglilinaw ay ginawa ng Palasyo kaakibat ng pahayag ni Presidente Rodrigo Duterte na dapat bakantehin ng lahat ng presidential appointees ang kanilang puwesto.

One Response