Sa bisperas ng imbestigasyon ng Senate Committee on Public Services sa dalawang kontrata ng Metro Rail Transit-3 (MRT3) na ikinasa ng nagdaang administrasyon, agad namang inabsuwelto ng pinuno ng komite si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Nanindigan si Sen. Grace Poe, chair ng komite, na hindi maaaring kaladkarin ang dating Pangulo sa transaksyong pinasok ni dating Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya.
“Kung sa bawat pagkakamali ng iyong kalihim ay ikaw ay pwedeng masentensyahan ay wala na talagang Pangulo na matitira dito sa ating bansa na hindi nakukulong,” katuwiran ni Poe kung bakit hindi maaaring isabit ang dating Pangulo sa MRT mess.
Ang naging pagkakamali lang umano ng dating Pangulo ay nang pabayaan nito si Abaya dahil sa palpak na trabaho nito sa Department of Transportation and Communication (DOTC) lalo na sa MRT-3.
“Noon pa kasi nakikita natin ang kakulangan sa trabaho na ginagawa noon ni Sec. Abaya.
Pasensya na pero matagal ko ng sinasabi na ang bagal nilang kumilos sa DOTC noon. Palpak ‘yung mga nagiging desisyon nila pero nanatili pa rin siyang kalihim ng ilang taon,” paliwanag ni Poe sa isang programa ng himpilang DzBB.
Dalawang isyu ang kakalkalin ngayon ng komite – ang P3.8 bilyong kontrata sa Dalian Locomotive and Rolling Stock Company ng China para sa pagbili ng 48 bagon ng MRT-3 at ang P3.8 bilyong maintenance contract sa Busan Universal Rail Inc. (BURI) para sa pagmantine ng 73 bagon ng MRT at overhaul ng mga makina nito.
Dahil dito, nakatengga lang at hindi mapakinabangan ang mga bagong bagon o LRV ng MRT-3 habang ang mga lumang tren, panay ang aberya dahil sa kawalan ng karanasan ng maintenance provider.
For the first time na ang isang presidente ay nagtuturo kung sino ang may kasalanan na dapat ay siya ang huling magpapasya go or no go.Hindi ako nakikiramay sa patay na di ko kilala..yan ang ating dating presidente..makatao
the problem with the mrt and lrt still exist…it seems that it is not only “who” is the problem, but, “what”…something hinders in the process…just my personal point of view…
Mawalang galang na po Miss Poe, may panangutan po ang presidente sa ginagawa ng kanyang mga cabinete. Sabi nga command and responsibility. Hindi po pwede ang hugas kamay. Sabi niya nagpabaya lang si Pnoy kaya may parusa po dito mas mataas pa sa kanyang cabinete.
So sa ginawa ni ex DILG Sueno na katiwalian….may pananagutan din si DUTAE?
Nadali mo
kapabayaan is completely different from katiwalaan… tagalog na po yan.
Bakit di ba maliwanag yong sinabi ko na sinabi ni DUTAENG dahilan kaya nya sinibak si sueno dahil sa KATIWALIAN?….mas tagalog na po yan
“So sa ginawa ni ex DILG Sueno na katiwalian….may pananagutan din si DUTAE?” ano pananagutan nya eh sinibak nga dahil sa katiwalaan, how about abaya, ung kapabayaan nya.. namayagpag sha db? pero hindi sha sinibak.. pakiexplain
hindi masisibak si Abaya dahil sa utang na loob sa mga raket na may comision siya [Abnoy para may pambili ng xbox game]
semandaragat
Napaka dilawan mo talaga..gusto mo na gayahin ni du30 si abnormal..Manghiram ka ng utak ke mar Roxas
Hirap sa inyong.IDIOTERTARDS pag medyo mataas ang IQ ng kausap nyo dilawan na kaagad….uwi ka na lng ng DAVAO para di ka madehado sa debate….puro BOBO AT UTO UTO TAE ESTE TAO DOON..HEHEHE
semandaragat
Anu ang pinagkaiba ni du30 ke abnoy.. Laglag bala, sabi ni pnoy ay kasalanan yan ng mga tao. mabait ang pinsan kong si honrado..Du30 to Sueno, youre fired. Tama o mali ako..
Laglag bala ba?…eh pakana ng kampo ng demonyong si DUTAE yan….at wag mong I compare si ex president HON B.AQUINO kay DUTAE kasi walang panama si ex president HON B Aquino kay DUTAE sa pambobola…sa katrayduran…sa kasinungalingan…sa kabastusan. at higit sa lahat sa PANGUNGURAKOT
lol!!!sabog ka na naman ata bro?!
panahon pa yan ni Abnoy ng naglalaglagn ang mga bala sa BS akino airport!!!hahah
Mga sira ulo lng nagpapaniwala dyan….isa ka ba don?
hehe sensya ka na bro… nasuri ko SARCASM lang pala mga sinabi mo kay PRRD! hehehe
pero tama na ang Droga ha !!! nakakatuyo ng utak yan o baka matukhang ka bigla wawa naman mga maiiwanan mo….
Parang ikaw lang tuyo na ang utak kaya madaling nabola ni DUTAE….hehehe
silangstupid
Baka tutoo ang sabi ni Poe na walang alam si mongoloid, kasi tuwing may gagawing raket ang mga gabinete niya ay nireregaluhan siya ng bagong video game.. Di ba bawal sa executive ang tumangap ng suhol
Sana di lang puro imbestiga mas nasasayang ang buwis na binabayaran ng mamamayan kung puro imbestiga tapos wala naman mapaparusahan sa huli talo pa din ang tax payers dahil sa mga sinayang na panahon na puro imbestiga lang, at kung mapatunayan naman ang pagkakasala ni Abaya tatagal naman sa Ombudsman dahil kaalyado bago makasuhan sa Sandiganbayan.