NPA leader sapol sa shootout, todas

Patay ang isang kinikilalang lider ng komunistang New People’s Army (NPA) matapos mabaril sa shootout sa pagitan ng mga rebelde at police sa military operation sa Guba village, Catarman, Northern Samar.

Nakilala ang nasawi na si Salvador Nordan alyas ‘Badok’ o ‘Gahi’, na kinikilalang leader ng Sub-Regional Operation Command emporium ng NPA.

Sa report ng 803rd Infantry Brigade (803 IBde) at Northern Samar Provincial Police, nangingikil umano ang mga rebelde sa mga residente sa lugar nang makasalubong ng mga sundalo kaya naganap ang insidente Biyernes ng umaga.

Nakumpiska mula sa nasa­wing rebelde ang isang caliber 45 pistol, mga bala at subversive document na may high intelligence value na nakasaad ang pangalan ng mga sumusuporta sa Communist Party of the Philippines-NPA.

Nabatid na nahaharap sa mga kasong criminal charge, murder at robbery case sa Northern Samar ang nasawing rebelde na nakatakdang dalhin sa Catarman. (Vick Aquino)