Isang squad leader ng guerilla front ng New People’s Army (NPA) ang hawak na ngayon ng militar matapos sumuko sa Bukidnon.

Isinasailalim na sa interogasyon ang rebeldeng si Alex Gawelan alyas Kumander Banate, 38, ng Purok 2, Bgy. Sagundanon, Kitaotao, Bukidnon, squad leader sa Baking, Sentro de Gravidad Guerilla Front 53, sa ilalim ng Southern Mindanao Regional Committee.

Sa pamamagitan ng mga tauhan ng 39th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA), nagbalik-loob sa pamahalaan si Banate matapos sumuko sa boundary ng Arakan at Kitaotao, Bukidnon kasabay ng pagpapaubaya sa kanyang M16 armalite rifle at mga bala.

Idinahilan ni Gawelan na sumuko siya dahil gusto na niyang mamuhay nang mapayapa kasama ang kanyang pamilya.