Isiniwalat ng commanding officer ng 81st Infantry Battalion ng Philippine Army na nagre-recruit ang ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) ng mga menor de edad upang umanib sa kanila.
Patunay umano ito na isang menor de edad na lalaking rebelde ang sumuko kamakalawa sa gitna ng bakbakan ng NPA at mga sundalo sa Barangay Mabileg, Sigay ng lalawigang ito.
Ayon kay Lt.Col. Julio Osias, inamin sa kanila ng sumukong binatilyo na ilan sa mga nakakaengkwentro ng mga militar sa probinsiya ay mga katulad niyang menor de edad na bagong kaanib ng kanilang grupo at nahikayat mula sa Ilocos Sur, Kalinga at iba pang karatig lalawigan.
Sa gitna ng pagtugis sa mga rebelde ay patuloy ang paghihikayat ng militar sa mga armadong grupo na sumuko na at magbagong-buhay dahil may mga programang nakalaan para sa kanila.