NPA pahiya sa mga preso

letter_to_editor-box

Dear Sir:

Wala sa wastong pag-iisip ang mga rebeldeng miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos tangkaing patakasin ang mga bilanggo sa Maddela Police Station sa bayan ng Quirino.

Nagkumpulan sa palikuran ng lock up cell ang 12 mga bilanggo sa kasagsagan ng palitan ng putok ng mga pulis at umatakeng miyembro ng NPA.

Pilit umanong binuksan ng armadong grupo ang lock up cell ng himpilan at sinabihan silang tumakas na ngunit mas pinili nila na manatili lamang sa loob dahil sa takot na matamaan ng mga bala.

Pahiya ang NPA sa pagtanggi na mismo ng mga preso na tumakas. Ano na naman kaya ang binabalak nila at nais nilang pumuga ang mga bilanggo.

Dapat maging mas alerto ang ating kasundaluhan sa pagtugis sa mga bandidong patuloy na sakit ng ulo sa ating lipunan at pamahalaan.

Ivan R. Abella
San Pedro Laguna

Sumuko na sana ang Sayyaf members

Dear Sir:

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Eduardo Año ang pagkamatay ni Abu Sayyaf sub-leader Alhabsy Misaya ay malaking bagay para tuluyang mabuwag ang pwersa ng ASG.

Kaya naman nagbigay babala ang AFP sa teroristang grupong Abu Sayyaf na kayang buwagin ng militar ang kanilang grupo bago pa matapos ang anim na buwang deadline.

Utak umano si Misaya sa recruitment ability para manghikayat ng mga Tausug na umanib sakanila.

Sana ay sumuko na lamang ang mga miyembro ng ASG at ‘wag na nilang hintayin na mapunta sa bingit ng kamatayan ang kanilang buhay. Ang AFP ay pursigido at desididong buwagin ang lahat ng teroristang grupo.

Nawa’y isaalang-alang na lamang nila ang kanilang pamilya upang sila’y maliwanagan na kailangan sila ng kani-kanilang pamilya.

Jersan R. Arguilles
Mindoro