Nagpahayag ng persona-non-grata ang 50 barangay ng bayan ng Gattan, Cagayan laban sa New People’s Army (NPA) dahil sa patuloy na pa­ngingikil sa mga residente.

Ayon kay Gattan Police Station chief of police Police Maj. Edwin Aragon, ang nasabing persona-non-grata ay pagpapakita lamang na ayaw na at nagsawa na ang mga mamamayan ng Gattaran laban sa iligal na gawain ng NPA.

Sinabi ni Aragon, may lakas na ng loob ang mga residente sa pangu­nguna ng mga barangay official na labanan ang mga rebelde para makamit ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Dito, nagpasalamat naman si Aragon sa mga residente sa pinapaki­ta nilang kooperasyon kontra insur­hensiya. (Allan Bergonia)