Bumagsak sa kamay nang pinagsanib na pu­wersa ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) at ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG ) ng Philippine National Police (PNP) ang isa babaeng may mataas na position sa New People’s Army (NPA) na nakatalaga sa Davao region sa bisa ng warrant of arrest sa Cebu City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Sr/Supt. Marlon Tayaba, chief ng CIDG R7 nakilala ang naaresto na si Amelia Pond alyas Adelfa Toledo ng Brgy. Luz, Cebu City na naaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa mga kasong double murder at frustrated murder.

Naaresto si Pond dakong alas-12:50 ng hapon sa Archbishop Avenue, Brgy. Lahug, Cebu City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Nabunturan, Compostela Valley.