NPA umatake sa Bukidnon, 1 patay 11 sugatan

bomb-blast

Isa na namang atake ang ginawa ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kung saan ay isang sundalo ang naiulat na nasawi habang 11 pa ang sugatan sa Bukidnon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, lulan ng military truck ang 25 sundalo at militiamen nang atakihin ng mga rebelde sa Barangay Kitubo, Kitaotao, bandang alas-10:30 ng gabi.

Napag-alaman na una nang nasabugan ng improvised explosive device ang military truck na sinundan ng pagpapaputok ng baril ng mga rebelde.

Nagawa namang gumanti ng putok ng mga sundalo na nagsimula ng engkuwentro na tumagal lamang ng 10 minuto.