NS-NU kampeon sa NBTC League

Muling naghari ang Nazareth School of National University-Manila sa ikalawang sunod na taon sa Chooks-to-Go NBTC League National Finals sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Wagi ang Bullpups kontra sa La Salle Greenhills-Mandaluyong, 95-93, na pinangunahan ng mga bigating amateur na sina Carl Tamayo, Terrence Fortea, at Gerry Abadiano.

Nanguna si Tamayo na nilistang 24 points at 18 rebounds na pinarangalan ding Finals MVP. Nakatulong si Fortea at si Cyril Gonzales na mga kumana ng 23 at 14 points, ayon sa pagkakasunod.

“Everything na naa-achieve namin, sobrang saya kami,” saad ni Bullpups coach Goldwin Monteverde. “Every tournament naman, we really prepare kaya masaya kami for this.”

Sa nasabing laban, nakalapit ang La Salle Greenies sa lima, 62-57, matapos itarak ng Bullpups ang double-digit lead sa kahabaan ng first half.

Pero hindi pinabayaan nina Fortea at Tamayo ang koponan na nagpaka­wala ng 5-1 blast para mapanatili ang abante, 67-58. (Ray Mark ­Patriarca)