Tapos maging mga robot lang noong 2010-16, naglabas na kahapon ng pangil ang national sports associations (NSAs) laban sa nauubusan na ng kapanalig na si Philippine Olympic Committee president Jose ‘Peping’ S. cojuangco, Jr.

Ibinadya ng mga NSA ang nalalapit na ending ng 84-anyos na traditional politician sa POC tapos nilang pikunin at asarin ang nag-walkout sa POC general assembly na si Cojuangco sa Wackwack Golf and Country Club-Mandaluyong City.

Unang pumalag kay Cojuangco ang nakainitan niya kalaunan sa debateng si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) prexy Victorico Vargas at ilang nabibilang na rin ang araw na mga alip[ores ni Cojuangco na opisyales din ng POC.

Agad na kinuwestiyon ni ABAP Secretary General Edgar Genaro Picson ang hindi pagpapabatid sa GA ang pagtatalaga ni Peping sa kapalit sa puwesto ni POC secretary general Stephen Hontiveros na si Atty. Simeon Garcia. Namatayan ng ina si Hontiveros.

Pinaglaban ni Picson ang hindi pagkakalagay sa agenda ng utos ng korte sa POC na magkaroon ng bagong halalan sa buwang ito para sa presidente’t tagapangulo na nagpasimula sa umuusok na diskusyon na nagdulot sa biglaang pag-alis ni Cojuangco at tuluyang pagtigil sa aktibidad.

Sinabi ni Cojuangco na hindi kasama sa agenda ang utos ng korte dahil hindi pa nito natatanggap ang kopya mula sa Court of Appeals at mayroong dalawang apela na kinakailangang hintayin ng POC na makatanggap ng kasagutan mula rin sa korte.

Ang dalawang apela ng POC ay isa para makakuha ng TRO habang ang ikalawa naman ay ang “interpretation “ sa POC By-Law na nasa preliminary injunction ukol sa termino na ”active membership.”

Nagtuloy ang mainit na balitaktakan nina National Chess Fderation of the Philippines pres. Prospero Pichay, Jr. at kumakandidato sa pagkapangulong si Vargas saka naasar-talong umalis na si Cojuangco.

“I was just making a motion to hold an election and then suddenly they stop the proceeding and walkout,” ani Vargas. “Masaya na ako kung magkakaroon ng eleksiyon and the rest is for the NSA presidents kung sino ang iboboto nila.”

“If you are insisting on that, this session is adjourn,” nangangatal na reaksyon ni Cojuangco bago tuluyang galit na umalis at kinatuwa ng mayoryang 56 regular at associate POC members o NSA leaders.(Lito Oredo)