Nagtala ng makapigil-hiningang panalo ang National University at University of the Philippines kahapon para manatili sa 1-2 spots ng Cebuana Lhuillier-Asaphil National Softball Intercollegiate Championships sa Sto. Niño Ballpark sa Marikina.
Sinandalan ng Lady Bulldogs si Ethel Cuyo na kumana sa fifth inning para hablutin ang 4-3 decision kontra PUP.
Sinakmal ng NU ang pang-apat na sunod na panalo matapos ibagsak ang guest team Manila Youth 7-4.
Kinalos ng UP Diliman ang RTU 3-2 para ilista ang pangalawang panalo sa tatlong laro.
Matapos ang scoreless start ay bumanat si Angeline Madrona para bigyan ng puntos ang PUP, pero sumagot agad ang Lady Bulldogs galing kina Chad Tulalian at Elsie dela Torre.