Mga laro ngayon (Rizal Memorial)

8:00 a.m. – Ateneo vs. Adamson (mens)

– UE vs. UP (men’s)

– UST vs. DLSU (men’s)

1:00 p.m. – Ateneo vs. UE (womens)

– Adamson vs. DLSU (women’s)

– UST vs. NU (women’s)

Nakakuha ng opening-day byes ang three-peat men’s champion NU at women’s titlist UP sa siklab ng UAAP Season 80 badminton tournament ngayon sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Uumpisahan ng Bulldogs ang kampanya sa four-peat kontra Fighting Maroons sa Sabado sa parehong venue. Sasalang ang reigning three-time champion Lady Maroons kontra DLSU sa Sabado rin.

Tigatlong pambuena-manong teams sa men’s at women’s divisions ang magbubukas ng hostilidad ngayon.

Alas-otso ng umaga ay sabay-sabay aghaharap sa men’s play ang Ateneo vs. Adamson, UE Red Warriors vs. UP Fighting Maroons, at UST vs. De La Salle.

Sa women’s match ngayon ay papalo ang Lady Falcons vs. Lady Archers, at Tigresses vs. Lady Bulldogs.

Kakapitan muli ng Bulldogs si MVP Leeward Pedrosa, gigiyahan naman ni MVP Poca Alcala ang Lady Maroons.