NU, DLS-Zobel perpekto pa

Nilaktawan ng defending two-time champion National U at De La Salle-Zobel ang mga nakatapat para panatiliin ang perpektong baraha sa girls division ng UAAP season 79 high school volleyball sa Adamson gym kahapon.

Minadali ng Bullpups ang Adamson 25-10, 25-16, 25-21, hindi rin pinaporma ng Junior Lady SpiĀ­kers ang UP Integrated School 25-3, 25-23, 25-8.

Umangat sa 3-0 ang NU at DLS-Z, hindi naghiwalay sa tuktok. Nasa likod nila ang isa pang unbeaten team UST (2-0) na nakakuha ng bye.

Sa isa pang girls match, naligtasan ng FEU-DiliĀ­man ang UE 22-25, 23-25, 25-21, 25-22, 15-8 para sumampa sa win-column matapos ang dalawang sunod na dapa.

Nabaon sa 0-2 ang Baby Falcons at Junior Lady Warriors, winless sa tatlong salang ang Junior Lady Maroons.