NU pinigil ng La Salle

Nagpakawala si Cris Dumago ng 17 kills at pinigil ng La Salle ang NU 26-24, 25-19, 18-25, 25-22 para makapuwersa ng three-way logjam sa second spot ng Group A ng Spikers Turf Season 2 Collegiate Conference sa PhilSports Arena.

Nagsumite ng team-high 19 hits si Raymark Woo, tumapos si Dumago ng 18 at may 13 pa si Arjay Onia para isampa ang Archers 2-1 kaakbay ang biktima at FEU.

Napakawalan ng Bulldogs ang extended opening frame, nakarekober nang ariin ang third set pero hindi na pumayag sina Dumago, Onia at Woo na paabutin pa sa decider ang match na tinapos sa 1:31.

Sa unang laro, kinumpleto ng San Beda ang come-from-behind 18-25, 18-25, 26-24, 25-21, 15-12 panalo kontra EAC sa Group B.