Hindi pinaiskor ng reigning champion National U ang De La Salle sa final 7 minutes para selyuhan ang 72-59 panalo sa UAAP Season 79 women’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum kahapon.

Angat sa 4-0 ngayong season ang Lady Bulldogs na hindi pa natatalo pagkatapos ng 36 na panalo. Pinangunahan ng 22 points at 13 rebounds ni reigning MVP Afril Bernardino ang NU, nakahugot pa ng all-around production na 17 points, 10 rebounds, four assists mula kay Gemma Miranda.

Nagawang dumikit ng Lady Archers 61-59 pero inalat na mula roon at nalaglag sa 2-1 sa third.

Sa iba pang laro, nagsalansan ng pinagsamang 27 points sina Nicole Medina at Love Sto. Domingo at tinisod ng UE (3-1) ang FEU (1-2) 55-45. Mag-isa na sa second spot ang Lady Warriors.

Noong Sabado, dinagit ng Adamson (2-2) ang Ateneo (1-2) 74-62 sa likod ng 22 points ni Kaye Pingol at 20 rebounds, 15 points ni Jonalyn Lacson.