Binokya ng defending champion National University at University of the Philippines ang mga nakatapat para dumikit na sa Final Four ng UAAP 79 men’s badminton.

Sa Rizal Memorial Badminton Hall kahapon, hindi pinaporma ng Bulldogs ang Ateneo 5-0, ni­lampaso rin ng Fighting Maroons ang Adamson sa parehong iskor.

Pinahaba pa ng NU ang perfect run sa 22 ties, kaakbay ang UP sa lead sa parehong 4-0.
Laglag sa 2-2 ang Blue Eagles, wala pang naipapanalo sa apat na salang ang Soaring Falcons.

Sa iba pang laro, tinalo ng Far Eastern U (2-2) ang kapitbahay na University of the East (1-3) 4-1, nilaktawan din ng De La Salle U (2-2) ang University of Santo Tomas (1-3) 4-1.

Mamayang umaga sa parehong venue, sisiguruhin na ng NU at UP ang silya sa semis. Toka ng Bulldogs ang Red Warriors, kapalauan ng Maroons ang Tamaraws.