Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang defending champion National U at UP, sinelyuhan agad ang first two Final Four slots matapos ang kumbinsidong pa­nalo sa mga nakatapat sa men’s division ng UAAP 79 badminton tournament kahapon.

Nilampaso ng Bulldogs ang UE 5-0, dinomina ng Fighting Maroons ang FEU 4-1 sa Rizal Badminton Hall kahapon.

Unbeaten sa limang salang, pag-aagawan ng NU at UP ang solo lead sa penultimate day ng elimi­nations sa Miyerkules, ang mananaig ay didikit na sa outright spot sa best-of-three championship. Ang Bulldogs at Maroons ay kinu-coach ng magkapatid na Jaime at Melvin Llanes.

Sa ibang ties, tina­kasan ng Ateneo ang La Salle 3-2 at binokya ng UST ang Adamson 5-0. Sa 3-2 ay angat sa No. 3 ang Eagles, table sa fourth ang Tigers, Tamaraws at Archers sa 2-3.