Minadali ng defending girls champion National U ang UP Integrated School 25-8, 25-10, 25-15, at dinomina ng University of Santo Tomas ang Adamson 25-10, 25-16, 25-13 sa UAAP 79 high school volleyball tournament.

Angat sa 2-0 ang Bullpups at Junior Tigresses, nagkrus ang landas para pag-agawan ang titulo sa nakalipas na tatlong seasons.

Sa boys plays sa Adamson gym, naligtasan ng UE ang titleholder NU 25-22, 25-16, 19-25, 16-25, 15-12 sa rematch ng last year’s Finals.

Tinalo ng FEU-Diliman ang La Salle-Zobel 25-17, 25-19, 25-19, nilapa ng UST ang Ateneo 25-23, 25-17, 25-10, at biniktima ng Adamson ang UPIS 25-19, 25-22, 25-22.

Balik ang hostilidad sa Sabado sa parehong venue umpisa ng 7:30 a.m. sa nakalinyang tatlong laro sa girls at apat na matches sa boys.