Hindi mangyayari, ayon kay Pangulong ­Rodrigo Duterte, ang paggamit ng nuclear­ ­energy sa ilalim ng ­kanyang liderato.

“Maybe someday­ but not during my presi­dency,” pahayag ni ­Pangulong Duterte nang matanong sa All Saints’ Day presscon sa Roman Catholic Cemetery sa Davao City.

Binigyang-diin pa ng Pangulo na ang paggamit ng nuclear energy ay dapat pag-aralang mabuti­ at dapat ay may nakahanda ang gobyerno na mga pananggalang sakaling magkaroon ng nuclear explosions.

“Huwag muna ngayon­ kasi I guess now is not a good time because we have to come up with safeguards. Really, reall­y tight safeguards to assure­ that there will be no ­disasters if there is a ­nuclear leak or explosion somewhere in the nuclear reactors that we will build in,” tugon ng Pangulo.

“It has to be studied­ carefully by Congress­ and by the Filipino people.­ For after all, ‘pag may leak ‘yan, ‘pag mag-ano, lahat tayo tatamaan diyan (if there is a ­nuclear leak, we would all be affected) and it’s our country, remember that,” dagdag nito.

Nilinaw din ni Pangulon­g Duterte na ang ­Pilipinas sa ngayon ay mayroon namang sapat na supply ng enerhiya.

“Wala pa talaga tayo in danger zone that we will die if there’s no ­energy,” pagtatapos ng Pangulo.