Sa mga babaing ang ‘ta­lent’ ay ‘car washing’, mga hitad, hindi car washing ang ipinakita niyo.

Kaunting kahihiyan naman, please. ‘Wag sisihin si Angel Locsin sa costume niya sa Darna. Panahon pa ni Rosa del Rosario na unang Darna at sa pagkakaguhit ni Mars Ravelo, ganun talaga ang costume niya. At sigurado naman akong photoshopped photos ang mga sinasabi niyong nude photos niya.

Napaiyak si Locsin sa inyo dahil ‘nagpagamit’ kayo sa kung sino man ang kumumbinsi sa inyo na ang ‘car washing’ ay talent. Mga neng, prangkahan, ang inyong mga twerking moves at walang kapararakang splits, bastusin ang dating.

Magpasalamat pa nga kayo dapat kay Angel Locsin dahil gusto niyang ilagay kayo sa tama. Pero kung ang purpose niyo naman sa buhay eh ma­ging fun at fierce femme fetales, keri naman sana, ‘yun eh kung may ta­lent kayo. Super lousy ang choreography niyo, noh. Ang ganyang ‘pagsasayaw’ ay hindi maka-sining at mas lalong hindi dapat mamayani sa showbiz. Sa ibang stage siguro, puwede kayo.

Baron hindi dapat sinusukuan ng pamilya

MAY mga bagay-bagay o pangyayari na hindi naman dapat ipinapakita sa social media at ang isang ehemplo nito ay ang la­rawan ni Baron Geisler na siya mismo ang nag-post.

Ayon sa mga report, brother-in-law ni Geisler ang umupak sa kanya at kung paniniwalaan natin ang kanyang kapatid na babae, si Grace Morales, may pahayag ito sa kanyang social media site na “Kanina, u banged in my house drunk,” at “We will talk to you pag sober ka.”
I will not speculate on what happened in the Geisler household. Ang ire-request ko lang, sa Geisler’s kins, please stop them from making their social media accounts to express their views and bombard the public with an unfolding of a family drama.

Kung mas may nakakatanda pa kay Baron, sa brother-in-law at mga kapatid niya, bago pa mahuli ang lahat, please intervene.

Kung may close sa inyong pastor o spiritual adviser, please, mangialam na po kayo at pagharapin at pag-usapin ang magkakapatid privately.

‘Pag sober na siya, nagkausap na silang magkakapatid, kahit ayaw niya pa, please bring him to a doctor, he obviously needs psychological counseling at baka kailangan niyang ma-rehabilitate para ma-address ang kanyang penchant for gulping alcoholic be­verages.

Paki-sabi rin sa kapatid niyang babae na huwag na ang mga pahayag na tulad nito, “Showbiz industry i dont think Baron will ever change. Sad to say.”

Ms. Grace, pamilya si Baron, hindi mo siya dapat sinusukuan. Kung pakiwari niyo hindi na siya magbabago, meron pang paraan for him to change. Confine him. Rehabilitate him. And yes, kill him with kindness and shower him with unconditional love pero dapat tough love.

Kesa po sa social media niyo dinadaan ang mga issues ninyo, hindi po ba mas mainam na, dahil adults na naman kayong lahat, mag-usap-usap kayo.