Itinago ng Denver Nuggets ang pagkakakilanlan sa isa nilang tao na nag-positive sa coronavirus.
Kinulambuan nila ito sa pamamagitan ng salitang “organization”.
“On Thursday, March 19th, a member of the Denver Nuggets organization tested positive for COVID-19. The person, who was tested after experiencing symptoms consistent with COVID-19 on March 16th, is currently under the care of team medical staff and in self-isolation,” anang statement ng Nuggets.
Organization – ibig sabihin ay puwedeng player, team coaches o staff, mga nasa front office, o kahit sino pang empleyado ng Nuggets.
Hindi pinangalanan ng Utah Jazz, Detroit Pistons, Brooklyn Nets, Lakers at Boston Celtics kung sino ang infected sa kanilang hanay, pero binanggit nilang player o players.
Organization din ang sinabi ng Philadelphia 76ers sa tatlong nag-positive sa kanila, pero iniulat ni Adrian Wojnarowski ng ESPN na staff members ang mga ito.
Inamin nina Rudy Gobert at Donovan Mitchell ng Jazz, Christian Wood ng Pistons, Durant ng Nets at Marcus Smart ng Celtics ang diagnosis sa kanila.
Tatlo pang players ng Brooklyn ang positibo pero hindi pinangalanan. (VE)