Number coding sa mga provincial bus, private car sinuspende

Sinuspende na ng Metropolitan Manila ­Development Authority (MMDA) ang number ­coding sa mga pribadong sasakyan at mga provincial buses upang magbigay-daan sa dami ng pasahero na sasakay at bibiyahe ngayong Christmas at New Year break.

Sa kanilang abiso, sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago na mula Disyembre 21 hanggang Enero 2, 2019 ay suspendido ang number coding scheme sa mga provincial buses.

Para naman sa mga pribadong sasaky
an, suspendido ang number ­coding mula Disyembre 24, 2018 hanggang Enero 2, 2019.

Ang suspensiyong ito ng MMDA ay bilang pagbibigay-daan na rin ngayong Christmas ­season. (PNA)