Number coding sa provincial bus sinuspinde

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes ang iskedyul ng suspensiyon sa implementasyon ng kanilang Unified Vehicle Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding para lamang sa mga provincial bus ngayong holiday season.

Sa abiso ng MMDA, suspendido ang number coding ng mga provincial bus sa Disyembre 23, 24, 26, 27, 31 at E­nero 2, 2020.

Layon nitong ma­serbisyuhan ang mas maraming pasahero na mag-uuwian sa kanilang mga probinsiya upang doon ipagdiwang ang araw ng Pasko at salubungin ang Bagong Taon kasama ng kanilang mga pamilya.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng MMDA ang lahat ng mga enforcement unit na bawal silang manghuli ng mga provincial bus para sa UVVRP o number co­ding violation sa mga nabanggit na petsa. (Armida Rico)