Nurse hiring sa Pasay City! P3K kada araw ang suweldo.

Nangangailangan umano ng 20 mga registered nurse ang lokal na pamahalaan ng Pasay City para magsilbing `frontliner’ sa paglaban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa anunsiyo ng Pasay City government, bibigyan ng P3,000 suweldo kada araw, P500 hazard pay at libreng pagkain ang matatanggap ng mga nurse.

Bukod pa dito ang libreng accomodation at transportasyon mula sa lokal na pamahalaan.

Nabatid na itatalaga ang mga bagong nurse sa `Ligtas COVID-19’ ng lungsod ng Pasay para mapigilan ang paglaganap ng pandemic.

Pinuri naman ng mga netizen ang hakbang na ito ng Pasay City government.

“Nurses are our new modern day heroes. They save patient’s lives by showing utmost care and compassion. They are committed to their duty as the new soldier of this war against this virus. They deserve high salaries and most importantly high respect,”ayon sa netizen na si Jhun Delfin.

“I hope the Pasay City gov’t can sustain their `good offer’ & retain the 20 workers, even after the covid-19 pandemic; & this hiring is not only a mere desperate strategy to entice applicants (especially those working in other cities), just because Pasay is in dire need of frontlining nurses. Nevertheless, this kind gesture is definitely praiseworthy,”ayon naman sa netizen na si Danni Gaerlan.

Gayunman,sinabi ni Henry Peralta na hindi kumpleto ang anunusiyo ng Pasay City government dahil hindi nilinaw kung ang mga hihirangin na RN ay mga permanent o contractual worker lamang.

“Suicide mission yan. Even though mataas na ang recovery cases sa bansa but still wala paring 100% complete na vaccine. Di napapalitan ng pera ang buhay ng mga nurses. Saludo ako sa lahat ng frontliners, hindi biro ang laban na tinatahak niyo ngayon. Mabuhay kayo!,”ayon kay Akmad G. Jhon.(Juliet de Loza-Cudia)