NutriAsia worker tigok sa loob ng pabrika

Nagulantang ang mga kasamahan sa trabaho ng isang production worker ng pabrika ng Silver Swan Soy Sauce sa Malabon City, nang bigla na lang itong bumulagta at nasawi Miyerkoles ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Raegan Estopin, 38, production assistant team leader, ng nasabing brand ng toyo, na nasa ilalim ng kompanyang NutriAsia.

Ayon sa pahayag ng mga kasamahan ng biktima, abala silang lahat sa pagtatrabaho sa Silver Swan na nakabase sa Brgy. Panghulo Road, ng nasabing lungsod n dakong alas-10:30 ng gabi.

Bigla umanong ng bumagsak sa pagkakatayo si Estopin at nawalan ng malay.

Nakitaan ito ng dugo sa bibig kaya isinugod sa pagamutan.

Sa panayam ni PSSg. Richard Andrew Calalay ng Malabon Police kay Roxanne Estopin, may bahay ng biktima, nitong mga huling araw umano ay panay ang daing ng mister na laging masakit ang ulo, pero hindi ito inintindi ng biktima. (Orlan Linde)