Nakatikim ng batikos sa mga senador si National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema makaraang ipanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na alisan ng government scholarship ang mga estudyante na nahuhuling miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Senador Chiz Escudero, nagdadala ng kahihiyan sa administrasyon si Cardema dahil sa kawalan ng kaalaman sa konstitusyon at dapat na itong sibakin sa kanyang tungkulin.

“The sycophantic and obsequious suggestion of the NYC head shows his ignorance of the Constitution and, far from helping, is surely doing a disservice to PRRD and the government,” saad ni Escudero.

Maging si Akbayan Rep. Tom Villarin ay iginiit na ang dapat na tanggalin sa puwesto ay ang NYC chair at hindi ang scholarship ng mga estudyanteng nagra-rally.

Wala sa hulog, ayon sa solon ang panawagan ni Cardema na bawiin ang scholarship ng mga estudyanteng nagpoprotesta kontra sa gobyerno.

“Such statement betrays the qualifications of a public official who wants government to adopt and enforce his ideas no matter how idiotic they are,” komento ni Villa­rin.