Inatasan ng Malacañang si National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema na magbitiw sa kanyang puwesto matapos itong maghain ng petition for substitution para palitan ang kanyang asawa na si Ducielle Marie Suarez Cardema bilang first nominee ng Duterte Youth party-list.

“The Palace therefore requires Mr. Cardema to vacate his office forthwith and turn over all official papers, do-cuments, and properties in his possession to the Office of the President,” pahayag ni Pre-sidential Spokesperson Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo na magtatalaga si Pangulong Duterte ng kapalit ni Cardema sa NYC na nagtataglay ng mga katangiang magsusulong sa interes ng kabataang Pilipino.

“We understand that Mr. Cardema’s petition has yet to be approved by the (Commission on Elections) as the body is still currently tackling the procedural and substantive legalities of the same,” ani Panelo.

Gayunman, ang paghahain aniya ng petition for substitution ni Cardema ay pag-abandona na rin umano nito sa kasalukuyan niyang posisyon dahil nagpahayag ito ng intensyon na bakantehin ang kanyang tanggapan para manilbihan sa gobyerno sa ibang kapasidad.

Ang Duterte Youth ay kabilang sa mga party-list na makakakuha ng puwesto sa Kamara batay sa takbo ng bilangan ng Comelec. (Prince Golez)